
Sa Unibersidad ng Abra Main Extension La Paz ay masiglang ipinagdiwang ang pormal pagbubukas ng Buwan ng Wika noong Agosto 28, 2025. Pinangunahan ito ng mga guro at mag-aaral mula sa iba’t-ibang departamento.
Pumasok ang mga studyante at kawani ng paaralan na naka suot ng mga makukulay na Filipiniana para sa babae at barong tagalog naman sa mga lalake, ang iba naman ay nagsuot ng katutubong kasuotan ng mga Pilipino.
Naumpisahan ang programa sa pangbukas na mensahe si Maam Elizabeth Fetalvero na kung saan binigyang diin nya ang halaga ng paggamit ng sarili nating wika at pagtangkilik sa sariling atin.
Layunin ng pagdiriwang sa araw na ito na itampok ang mga patimapalak tulad ng Pagkanta ng Kundiman, Duet at Spoken Word Poetry. Inilunsad ang mga aktibidad upang linangin ang talento ng kabataan,ipagdiwang ang wikang pambansa at palalimin ang pagmamahal sa kulturang Filipino.
Ang mga paligsahan ay hindi lamang simpleng paligsahan, kundi isang paraan upang maisabuhay ng mga studyante ang diwa ng pambansang wika. Sa Solo at Duet na pagtatanghal, muling pinatunayan ng mga kalahok na ang musikang Filipino ay may kakaibang lakas at diwa ng ating sariling musika. Samantala, ang spoken word poetry ay nagbigay ng makbagong tinig sa kabataan na nais ipahayag ang kanilang saloobon hinggil sa wika, lipunan, at pagkakakilanlan bilang Filipino.
Sa pagtatapos ng programa ay pinakilala naman ang mga tatakbo para sa election ng skwelahan, isa isang pinakilala ang bawat organisasyon.
Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay hindi lamang isang taunang selebrasyon, kundi isang paalala sa lahat na ang wika ay kaluluwa ng ating pagkatao at pagkakakilanlan bilang Filipino. Sa pamamagitan ng talento at husay ng mga mag-aaral, naipakita na ang wikang Filipino ay patuloy na sumisimbolo, nagbibigay buhay at nagbubuklod sa sambayanan. Source: Danielle Ancheta (BAPS), Ronalyn Dela Paz (BSSW), at Margaret Barreras (BAPS)











